Oras ng magulang
Ang kawalan ng oras ng mga magulang na makipag-ugnayan sa mga eskuwelahan o guro ng kanilang mga anak ay hindi lamang sa ‘Pinas nangyaayri, kundi maging sa ibang panig ng mundo.
Maraming kaso na ng magulang ay madalas ay napapasugod lang sa school para ipahayag lamang ang reklamo sa teacher na nagbibigay ng failing mark ng kanilang anak na ipinaglalaban na hindi ito deserve ng bata. Ang mga parents na pinagpipilitan ang kanilang “good parenting” skills ay maayos bilang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Pero malinaw naman ang ipinapakitang misbehavior ng bata. Sa halip ay dapat makipagtulungan sa teacher upang maitama ang behavior ng anak. Kaso nagmamatigas ang ibang magulang na walang problema sa kanilang anak.
Ganito ang trending ngayon na nagbibigay stress sa mga teacher na nawawala ang passion sa napiling field o trabaho sa buhay. Malaki ang part ng magulang sa edukasyon ng anak. Sina nanay at tatay ang pangunahing instrumento upang masigurado ang tagumpay ng anak.
- Latest