^

Para Malibang

Ash dunes sa Tanzania, gumagalaw at nagpapalit-palit ng hugis!

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Sa lugar ng Olduvai Gorge, Tanzania, matatagpuan ang isang kahanga-hanga ngunit misteryosong sand dunes. Ito ay ang Ash dunes of shifting sands.

Bakit misteryoso? Gumagalaw kasi ito nang mag-isa. Nabuo ang Ash dunes mula sa volcanic ash, at madalas itong magpalit-palit ng puwesto at shape.

Sa picture ay makikita ang crescent-shaped dunes na isa pa lang rare phenome­non na kung saan ang tawag ay Barkan.

Nabubuo ang ganitong klase ng dunes kapag unidirectional o iisa lang ang direksyon ang hangin na siyang gumagawa ng moving effect.

Nangongolekta ng maliliit na bato ang volcanic ash at naiipon ang mga ito kaya nakakabuo ng small sand dune.

Tuluy-tuloy lang ang ganitong proseso. Para naman sa shifting sands, gumagalaw sila ng 10 meters kada-taon.

Pinaniniwalaan ng lokal na tribo ng Maasai na nagsimula ang sand dunes sa Ol Doinyo Lengai (Mountain of God), ang pinakabanal na lugar daw sa kanilang kultura.

Bukod sa nagbabagong shape at kakayahang guma­law, may magnet din ang Ash dunes dahil sa mataas na lebel nito ng iron. Kapag pumulot ka ng piraso ng buhangin para ibato, imbes na ito ay hanginin, magkukumpul-kumpol lang ito sa ere at babagsak.

Ang Ash dunes ay hindi katulad ng ibang dunes na kulay gold, dahil itim ang kulay nito.

Para sa mga gustong masaksihan ang nasabing dunes, kailangan lamang ninyo ng kaunting pasen­sya dahil palagi nga itong gumagalaw.

Medyo mahirap din itong hanapin pero sigurado namang worth it ang inyong pagpunta.

 

TANZANIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with