Bagong ‘disorder’ ngayon

Ang pagsusugat o paghihiwa sa sarili ng isang indibidwal ay tinatawag na Non-Suicidal Self-injury (NSSI) ayon kay Ms. Bella Celedonio na isang registered Gui­dance Counselor.

Ang NSSI ay kinikilalang psychiatric condition base sa Diagnostic and Statiscal Manual of Mental Disorders, Fifth Edition (DSM-5) bilang bagong disorder na kailangan nang mas malalim pang pag-aaral.

Paraan ng kung paano ito ginagawa ng tao ay sinasaktan ang kanyang sarili na itinatago o sinisekreto ang kanilang behavior mula sa iba.

Ang karaniwang parte ng katawan ng pagsusugat ay sa kamay, pulso, tiyan, at hita upang  hindi makita na itinatago sa pamamagitan ng kanilang damit.

Maging aware kapag ang anak o estudyante ay mahilig magsuot ng jacket, sweater,  long sleeves, malalim o malungkot ang mga mata.

Ang NSSI ay tahasang self-infliction nang pananakit o sinusugatan ang body tissue ng katawan. Wala itong suicidal intention, pero pinaparusahan ang sarili o nakokonsensya sa anomang kadahilanan na kanilang pinagdaraanan.

Dati ang NSSI ay tinatawag na tahasang self-harm, self-wounding, self-inflicted violence, para-suicide, at self-injury.

Importante ang komunikasyon sa mga anak, kapatid, kaibigan, classmate, o asawa na maglaan ng oras na kamustahin ang kahit sinong miyembro ng pamilya. Hindi nila kailangan nang panghuhusga, kundi ang pang-unawa, pagmamahal, at kailangan nila ng may makikinig sa kanilang mabigat na problema.

Show comments