Makatuwiran ba ang P50 milyon na Kaldero para sa SEA Games?
“For me makatuwiran naman yung presyo dahil wala naman talaga halaga ang art. Sa totoo lang, pagdating sa ganyang usapan, mahirap talagang makipag-debate dahil marami ang hindi nakaka-appreciate ng work of art. Ang iba naman ay nagpapaka-practical. Kaya mahirap yan pag-usapan.” Shin, Dumaguete
“Sino ba naman ang hindi magre-react sa P55-million na kaldero? Overpriced masyado yan. Tapos may malalaman kang balita na ilang classroom na ang katumbas nun, hindi talaga makatuwiran kaya normal ang ipinakikitang reaksyon ng taumbayan.” Arlan, Manila
“OA (over-acting) naman kasi ang presyo. Parang manghihinayang ka talaga. Considering na pera yan ng taumbayan. Kanya-kanya ng reaksyon ang mga Pinoy pero parang daming nagagalit kasi marami pang pwedeng pagkagastusan ang gobyerno.” Nate, Pampanga
“Normal lang ang ganun presyo. Napakalaking event ng SEA Games. Hindi biro yan. Saka kung magri-research kayo, mas malaki pa ang nagagastos ng ibang bansa para diyan tulad na lamang ng Singapore. Sign yan na gumaganda ang ating ekonomiya.” Jayvee, Antipolo
“Matatawag na pagyayabang yan kasi grabe naman. Bakit naman ganun ang halaga. Sana napunta na lang yan sa mga nangangailangan. Sa mga lugar na kailangan ng tulong.” Noy, Cavite
- Latest