Pagpapasalamat ng Mag-asawa sa kanilang Pamilya
Madaling magpasalamat sa buhay mag-asawa kapag sinasabi ng iyong partner kung gaano ka kaganda o kaguwapo, maganda ang grades ng mga bata, naaasikaso ni nanay ang masasarap na pagluluto sa kusina, at may trabaho si tatay na sapat sa pamilya.
Paano kung nakunan si misis sa pangatlong anak o hindi n’yo na matiis ang isa’t isa ni misis o mister?
Paano ka pa magpapasalamat sa mga problemang dumarating sa pamilya?
Subukan na magpokus sa mga bagay na hindi nagbabago kahit sa kabila pa ng mga pangyayari. Maging ang mga problemang dumarating na puwedeng hindi maintindihan sa ngayon ay dapat pa rin ipagpasalamat.
Sabi ni Job ang isa sa characters sa Bible na pinayagan ng Diyos na dumaan sa matinding pagsubok na namatayan ang lahat ng kanyang mga anak. Sinumbatan si Job ng kanyang misis na itakwil na ang kanyang Panginoon, ngunit sinagot ni Job na mabubuting bagay lamang ba ang dapat ipagpasalamat sa Diyos.
Kung ang relasyon ay lugmok sa problema, tandaan na ang marriage ay isang investment. Kailangang maging committed na handang manatili sa pamilya kahit ano pang unos o problema ng buhay na dumarating sa buhay ng mag-asawa.
- Latest