Ngayon panahon nang malamig ang simoy ng hangin ay panahon din ng sipon, ubo, at trangkaso. Kailangang panatilihing malinis ang kalusugan sa pamamagitan ng mga simpleng tips…
Regular na maghugas ng kamay lalo na kung maghahanda ng pagkain. At least ay gawin itong 20 seconds tuwing naghuhugas ng kamay. Iwasan na hawakan ang mukha, mata, at tainga.
Laging magbitbit ng hand sanitizer o pang disinfect lalo na kung hahawak ng doorknobs, grocery cart handles, remote, telepono, at iba. Magkaroon nang sapat na tulog sa gabi.
Planuhin ang regular na exercise. Panatilihin ang healthy level ng stress. Iwasan lumapit sa may sakit na tao. I-enjoy ang simpleng bagay sa buhay. Tigilan na ang paninigarilyo. Uminom nang sapat na tubig. Panatilihin na mag-take ng vitamins gaya ng vitamin D.
Kumain ng mga gulay tulad ng bell peppers, lahat ng red, yellow, orange, at maberdeng gulay na mayaman sa vitamins gaya ng beta-carotene. Ang red peppers ay mas mayaman sa vitamin C para magkaroon ng immunity, kaysa sa ibang citrus fruits.