Kuto sa pilikmata nakakahawa!
Sa masusing pag-aaral ng mga optometrist, natuklasan nila na ang lash lice o mga parasite na makikita sa pilikmata ay palala nang palala. Demodex ang tawag dito.
Para sa mga mahihilig maglagay ng eyelash extensions, pinapayuhan sila na linisin ito palagi bago at pagkatapos ilagay sa talukap dahil ito ang gustung-gustong pamahayan ng mga parasite at bacteria.
Ang pangangati ng mata, pamumula, at paghapdi ay ilan lamang sa mga sintomas ng Demodex. Para itong mga lisa o kuto na nabubuhay sa pilikmata, at puwedeng maipasa kahit kanino.
“Generally the idea when you have eyelash extensions is that people are afraid to kind of touch them or wash them because they’re afraid the eyelash will fall out,” paliwanag ni Dr. Sairah Malik.
“We recommend tea tree base cleanser. Any cleanser that has a diluted form of tea tree, and it is a good idea to use on a daily basis.”
Pinayuhan din ni Dr. Malik ang mga tao na dapat ay palaging komportable ang ating mga pilikmata at talukap at palaging malinis.
Noong nakaraang taon, ibinahagi ng isang babaeng nagngangalang Ashley ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng Demodex. Nagbigay-babala siya sa mga nagbabalak gumamit o magpalagay ng eyelash extension.
Nagising siya isang araw na namamaga na ang kanyang mata pagkatapos magpalagay nito. Nagpatingin siya sa optometrist at nang ilagay sa ilalim ng microscope ang eyelash extension, napag-alaman na pinamumugaran na nga ito ng lash lice.
Normal lamang ang pagkakaroon ng lash lice, maliit na maliit lamang ito na makikita sa ating katawan, pero nakakasama ito ‘pag nag-umpisa nang tumira sa pilikmata at kilay at maaaring mag-cause ng impeksyon.
- Latest