Gifted o Slow ba ang Anak?
Mahirap masukat ang intelligence, lalo na ang totoong talino ng isang indibidwal. Noong bata pa si Thomas Edison ay inabot niya ang isang sulat sa kanyang nanay mula sa teacher nito. Nagsasabi sa note na ang kanyang anak ay “addled” ang old word para sa salitang “dumb”. Maaaring maraming bagay na ginawa si Edison, pero hindi ito “bobo”. Sa katunayan ay totoong gifted na bata si Edison noon. Minsan ang isang teacher naman ni Albert Einstein na nagsabi na siya ay “mentally slow” na hindi marunong makihalubilo, at laging nakatulala na parang nangangarap. Puwedeng ang iniisip noon ni Einstein ay ang tungkol sa physics. Maaaring simpleng dini-develop o nagtatalo na sa kanyang isipan noon ang history na ginawa nito sa buong mundo.
Ayon sa National Association for Gifted Children (NAGC) na ang gifted ay inuugnay sa kakaibang abilidad ng bata na higit sa mga normal na kaedad nito. Puwedeng gifted ang isang bata sa isang area o higit pa sa iba’t ibang larangan tulad ng pagiging artistic, creative, intellectual (I.Q.), magaling sa leadership, kung sa academic naman ay maaaring sa arts, mathematics, science, o iba pa.
Kadalasan ang gifted na bata na sa kindergarten pa lamang ay alam na nito ang 60% ng material na itinuturo sa first day pa lang ng klase. Mayroon naman delay lang ang proseso. Pero sabi nga ni Plato na huwag madismaya sa indibidwal na patuloy ang pagkatuto o progreso gaano man ito kabagal.
- Latest