Aspirin para sa Washing Machine

Ang expired na aspirin sa medical cabinet ay may silbi pa rin na makatutulong sa panlaba. Oo, tama ang nabasa mo. Ang expired na tablet na aspirin ay puwedeng gamitin para bumalik sa puting kulay ang namantsahang damit.

Kung nangungutata na ang damit kahit ilang beses nang nilabhan at binabad ang paboriting T-shirt.

Huwag mag-alala dahil ang aspirin mula sa medicinal cabinet ang solusyon sa iyong problema. Kumuha ng 4 o 5 pirasong aspirin na may 325 mg na tunawin sa 2-gallon na timba ng maligamgam na tubig. Puwedeng hatiin sa gitna ang aspirin para mas mabilis matunaw ang gamot. Kapag natunaw ay ibabad ang damit ng walong oras. Siguraduhin na nakalubog ito sa tubig.

Pagkatapos ng walong oras, saka ito ihulog sa inyong machine na paandarin sa normal na cycle.  Sa ganitong paraan ay natatanggal ang mantsa. Kung mayroong blood stains ay gumamit ng malamig na tubig sa halip na regular na tubig. Ang mainit-init na tubig ay mas nagpapatigas ng stains. Samantalang ang malamig na tubig ay mas madaling matanggal ang mantsa.

Pagkabanlaw ay ma­kikita ang maputing resulta ng iyong labahan na para good as in new uli. Hindi lamang ang damit ang puputi, kundi pati ang loob ng washing machine ay kikintab sa linis.

Show comments