^

Para Malibang

Mga engkanto at kaluluwa mahilig sumama sa mga turista

MRYOSO - Pang-masa

Bukod sa Baguio, isa ang Sagada sa mga madalas puntahan ng mga turista para magpalamig. Bagay na bagay ang lugar na ito para sa mga mahilig sa adventures dahil sa mabundok at mapuno nitong lokasyon.

Noon pa man, hindi na bago para sa mga nagpupunta rito na may kakaibang maramdaman matapos manggaling sa nasabing lugar. Hindi lamang ito sa Sagada nangyayari kung hindi maging sa ibang lugar din.

Kalat na kalat ang kuwentong tungkol sa Baguio na punum-puno raw ito ng mga kaluluwang ligaw at hindi matahimik. Ang iba raw sa mga ito ay sumasama pauwi sa mga turista. Ganun din daw sa Sagada, nandoon din daw ang iba pang mga kaluluwa, pati na rin ang mga nilalang na hindi nakikita.
Isang lalaking hindi na nagpakilala ang naglahad ng kanyang karanasan nang manggaling sila sa Sagada, kasama niya raw noon ang kanyang girlfriend pati na rin ang iba pa nilang kaibigan. Normal naman daw ang lahat habang nandoon sila, masaya at puro tawanan lang. Pero nagsimulang magbago ang lahat nang umuwi na sila sa Manila.

Tuwing papasok daw siya sa trabaho, palagi siyang nakakarinig ng parang may tumatawag sa kanyang pangalan. ‘Pag lumilingon naman daw siya, wala naman daw tao.

Hindi raw talaga siya nakakakita at nakakaramdam, pero nawiwirduhan na siya sa nangyayari. Madalas daw siyang makakita ng pigura ng isang itim na tao, pero hindi na lamang niya ito pinapansin.

Isang gabi, habang siya ay pauwi na, nagulantang siya sa kanyang nakita. Isang matandang may mahabang buhok at mahabang kamay. Nakatitig ito sa kanya.

Doon lang din niya nalaman na pati pala ang girlfriend niya at ibang kaibigan ay pinagpapakitaan nito.

Sabi ng albularyo, maraming kaluluwa at engkanto raw ang sumama sa kanila pauwi. Kailangan lamang daw nilang magdasal at ibaon ang binigay sa kanilang papel nito para hindi na sila muling gambalain pa nito.

vuukle comment

ENGKANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with