‘Halloween’
Dahil Araw na naman ng mga Patay, kaliwa’t kanan na naman ang mga kuwentong katatakutan. Pero bago ang Undas na siyang isineselebreyt sa November 1 at 2, nauuna munang i-celebrate ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa ang Halloween.
Ang Halloween ay isang pagdiriwang na espesyal para sa mga bata, bumabaha kasi ng chocolates at candies tuwing Halloween eve. Ang mga bata ay magsusuot ng iba’t ibang costumes at saka maglilibot sa bahay-bahay para makipag-trick or treat. Pero saan nga ba nanggaling at ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo nagse-celebrate ng Halloween?
Ang Halloween ay idinadaos tuwing October 31. Isa itong tradisyon na nagmula sa ancient Celtic festival of Samhain kung saan nagsusuot sila ng costumes at magsasayaw sa gitna ng bonfire para raw maitaboy ang mga multo at masasamang espirito.
Noong eight century, idineklara ni Pope Gregory III na ang November 1 ay araw para bigyang pugay ang mga santo. Kalaunan din ay lahat ng ginagawa sa Samhain ay nahahalo na sa All Saint’s Day. Ang gabi bago ang All Saint’s Day ay tinawag nila na All Hallows Eve at naging Halloween na rin kalaunan.
Sa paglipas ng panahon, nagkaroon na ng iba’t ibang aktibidades ang Halloween, meron nang carving jack-o-lanterns o yung mga kalabasang inuukitan ng nakakatakot na mukha, piyesta, pagandahan ng costumes at trick or treats.
- Latest