Dagang natutulog sa bulaklak

Hindi tayo nakikita ng mga pusa bilang mga tao. Sa halip, nakikita nila tayo bilang mga kapwa pusa.

Dumadami ang populasyon ngayon ng mga tigre. Magandang balita ito lalo pa’t sunud-sunod ngayong nababalitaan na dumarami ang mga hayop na napapabilang sa endangered species.

Kapag may ele­panteng ipinanganak, ang ibang nanay sa social group ng mga elepante ay gagawa ng ingay upang ipagdiwang ang kapanganakan nito.

Huma-hatsing (sneeze) ang mga aso kapag nakikipaglaro o harutan para ipaalam sa atin na hindi ka nila sasaktan.

Isa sa interesting facts tungkol sa mga otter ay ang pagpili nito ng bato at itatago nila ito habang buhay sila.

May isang klase ng daga, ang tiny harvest mice ang natutulog sa bulaklak.

Hindi na kinokonsiderang endangered specie ang mga panda.

Show comments