Misis natamang hinala

Dear Vanezza,

Hindi na ako gumagamit ng cell phone dahil nari­rindi na ako sa kakaselos ng misis ko. Laging tamang hinala ang misis ko na naghahanap na mayroon akong babae kahit sa opisina namin. Bakit naman kasi siya pumili ng gwapong asawa tapos ngayon ay nagseselos siya kahit wala naman akong hilig na mambabae. Kailan kaya matitigil ang suspetsa ng misis ko?

Benjie

Dear Benjie,

Maaaring kulang lamang si misis sa atensyon at lambing. Maaaring natatakot lamang si misis na magkaroon kayo ng problema. Importante na bigyan ng oras si misis upang maramdaman ng security ang kanyang kalooban ng iyong asawa. Upang hindi na siya maghinala na mayroon kang ibang babae maliban sa kanya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments