Death Sentence ng OFW

Maraming dahilan kung bakit nag-a-abroad ang mga Pinoy.

Kung dati ay parang death sentence sa mga overseas Filipino workers kapag nagtrabaho sa ibang bansa. Iniisip na walang kaibigan o kamag-anak, mahihirapan na makikisala­muha sa ibang lenggwahe, weather, at pagkain.

Pero iba na ang panahon ngayon, mabilis din matuto ang mga OFW na nagkalat saan man sulok ng mundo. Alam agad kung paano makibagay sa lifestyle ng ibang bansa.

Bawat bansa ay mayroong samahan ang mga Pinoy upang aliwin ang sarili sa ibang kultura at labanan ang kalungkutan sa ibang bansa.

Madali na rin ang komunikasyon sa naiwang pamilya sa pamamagitan ng Internet. Wala nang dahilan na malugmok sa lungkot ang OFW dahil kahit anong oras ay puwedeng maabot ang mahal sa buhay.

Mahirap man mawalay sa mga anak at asawa ay isang click lamang puwede nang makausap ang pamilya, wala nang dahilan na mabagot ang OFW sa ibang bansa.

Show comments