Pangakong napako ni tita
Dear Vanezza,
Napilitan akong huminto ng pag-aaral dahil naghiwalay ang magulang ko. Naghiwa-hiwalay din kaming magkakapatid. Kinuha ako ng tita ko na ang pangako sa akin ay pag-aaralin ako. Isang taon na ang lumipas ay tengga pa rin ako sa bahay nila na ginawa lang pala akong yaya ng mga anak niya na wala pang suweldo. Ano ba ang gagawin ko? – Eunice
Dear Eunice,
Mabuti na hindi ka nagpapatalo sa problema ng iyong pamilya, kundi ginagawa mo pa itong hamon para sa goal mo na makapag-aral. Bakit hindi kausapin si tita. Tanungin kung may balak pa siyang pag-aralin ka. Upang magkaroon ka ng option na umalis sa kanilang bahay at maghanap ng ibang paraan.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest