Nakararamdam ng good vibes kapag mayroong ngumingiti sa iyo. Ang tendency ay suklian din ng ngiti o ipasa ang simpleng pag-smile sa nakakasalubong din.
Ang pag-smile ay nakakahawa na pati ang sarili ay hindi napipigilan na ngumiti. Subukan na ngumiti sa harap ng salamin, hindi lamang nagti-trigger ng ating mirro neurons, kundi natutulungan tayong kumalma, nababawasan ang pag-aalala, at nababaling sa positibong bagay. Napapasaya hindi lamang sa sarili, bagkus ay nakakahawa rin sa ibang indibidwal.
Subukan na ngumiti kahit traffic, busy sa work, at kahit pagkagising sa umaga na masakit ang ulo. Kapag in tense o pressure, pero kapag ngumingiti ay nababawasan ang bigat ng sitwasyon at nakararamdam ng mas maging masaya.