Reconnection sa buhay ng mag-asawa

Bago pa magkaroon ng anak ang mag-asawa ay may time pa na manood ng sine na rated G. Nakapagda-dine pa sa restaurant na hindi kailangan mag-offer ng disposable cups o kutsara. May oras na magkasama tuwing weekend kahit ano gustong gawin, magpuyat, at matutulog maghapon.

Pero nang maging magulang na, buong universe ay umikot. Laging napapagastos, naghahanda ng makakain, napapa-drive thru, nagmamadaling umuwi para pakainin ang mga pagod at gutom na mga bata bago pa magsimulang umiyak.

Ang simpleng usapan lang nina mister at misis ay nauuwi sa pagtatalo. Dati walang araw na hindi matiis ang ‘di makapag-usap. Pero ngayon ay dahan-dahan nang napapalayo sa isa’t isa ang mag-asawa. Ang pinakamalala ay hindi napapansin nina misis at mister ang miserableng pangyayari.

Dahan-dahan na lumalabo na ang koneksyon ng pagsasama. Ang totoo, kahit ano pa ang mangyari kailangan ng effort upang mapanatili ang connection emotionally, physically, at spiritually. Ang disconnection ay mabilis lang lalo na sa kabisihan ng mag-asawa.

Pero ang connection ni mister sa Panginoon ay mahalaga na Siyang orihinal na nag-engineer ng pagsasama ng mag-asawa. Alam ng Diyos na mas mainam ang dalawa kaysa isa. Pero ang dalawang mag-asawa ay dapat maging iisa. Kahit sa kabila ng pagkaabala sa pagpapalaki ng mga anak.

Anumang phase ng buhay ngayon, huwag lalayo sa tabi ng asawa. Pag-usapan kung paano muli ma-reconnect sa isa’t isa kahit pa sa pagkakataon na may humahatak na mapanganib na maghiwalay ang mag-asawa.

Show comments