Sensyales na kulang sa tulog

Karaniwan na ang pakiramdam na kulang ang mga oras sa maghapon. Ang feeling na pagod kaya hinihiling na kailangan pa ng mas maraming oras sa mga schedule. Dahil kakulangan ng energy na inaantok at nawawala sa pokus.

Ang tanong ay kung regular bang nakatutulog ng 7-9 hours sa bawat gabi?

Alamin ang mga senyales na hindi sapat ang tulog sa gabi.

Number one, ang pagkakaroon ng poor memory na ibig sabihin ay nadi-deprive ang sarili sa dapat na quality ng tulog sa gabi.

Nakararamdam ng pagod. Mayroong stomach at digestion issues.

Tumataba na bumibigat ang timbang. Ang wala sa oras na nararamdamang pagkagutom ay signal na kailangan ng mas maraming energy dahil sa kakulangan nang sapat na pahinga. Mataas ang stress level at inflammatory response.

Sobra ang paghihikab at pakurap-kurap na hindi mapigilan ang pagpikit ng mga mata. Mabagal ang recovery mula sa exercise na puwedeng sign din na over naman sa training. Mataas ang blood pressure.

Ang bottom line ay ang kailangan nang pagkakaroon ng quality na pagtulog na importante para sa regular system ng katawan at maging sa emotional health ng indibidwal.

Kung itsi-check ang schedule ay baka ang pagkapagod o dahilan ng mababa ang energy ay bunga ng sobrang panonood ng TV, busy sa paggamit ng phone sa gabi, at ibang dahilan ng pagpupuyat na nasasakripisyo naman ang pagtulog. Upang maging productive sana, hindi magiging makalimutin, hindi maparami ang pagkain na wala sa oras, o baka kailangan nang bisitahin ang iyong doktor.

Show comments