Nanay na santong kabayo

Dear Vanezza,

Galit na galit ang nanay ko na gusto niya ay lagi akong present sa pagsisimba sa aming church. Paano naman ako maeengganyo na sumunod sa nanay ko, yung ugali niya kabaligtaran ng itinuturo sa church kahit palagian pa siyang nagsisimba. Ang lakas pa magmura, pintasera, at sobrang sungit. Paano ba ako maniniwala sa nanay ko na santong kabayo? – Jessica

Dear Jessica,

Bakit hindi mo subukan na sabihin kay nanay ang iyong obserbasyon. Upang matauhan sa mali nitong ginagawa. Baka sakaling magising sa katotohanan si nanay na magbagong buhay. Upang maging good example sa inyong pamilya.

Sumasainyo,

Vamezza

Show comments