Educators’ convention 2019
Ang School of Tomorrow®, Philippines (SOTP) ay may taunang 2-days seminar para sa mga pastors, administrators, supervisors, monitors, at mga magulang na gumagamit ng individualized system of learning.
Ngayong taon ang theme ng Educators’ Convention (EdCon) ay “Light Your World”. Ito ay ginanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagsimula sa Baguio noong Agosto 19-20 sinundan sa Tagaytay, Davao, Cagayan de Oro, Iloilo at ngayong ika-5 at 6 ng Setyembre ay sa Cebu naman at sa susunod na linggo ay sa Manila at Palawan. Ang pinakamalaking bilang ng mga nag-participate ay sa Tagaytay na inabot ng 419 delegates na nilahukan ng 35 na schools. Natatala na ang bilang mula sa 4 na lokasyon pa lamang Baguio, Tagaytay, Davao, at Cagayan de Oro na ay umabot na sa 978 delegates mula sa 120 schools.
Ang mga speakers ngayong taon ay binubuo nina Rev. Delbert Hooge (Executive Director of School of Tomorrow®, Philippines), Mrs. Lora Lee Hooge (Founder/System Consultant of Philippine Christian School of Tomorrow), Rev. Erich Santos (Administrator of Jesus Flock Academy and Deputy Director of SOTP), Pastor Jonie Brasileño (Administrator of Good Shepherd Christian Academy), Mr. Cesar de Ocampo (Senior Manager, School Services Dep’t. of SOTP) at si Mrs. Remia Camacho (Senior Manager, PCST Home School Program).
Layunin nito na hamunin mula sa mga mensahe ang halaga ng Christian Education sa bansa.
Ang papel ng bawat isa ay importante sa paghuhubog at pagdidisplina sa ating mga kabataan. Ayon kay Pastor Jonie, “I believe it is part of our mandate to ensure that the child’s learning, both in academics and good character, is maximized.” (You may contact us at www.schooloftomorrow.ph ; (02) 822 9663 loc. 115 ).
- Latest