Luya sa sinaing

Mas sumasarap ang mga pagkain kapag mayroon itong aromatics.

Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sibuyas, ba­wang, celery, luya, paminta, at kung anu-ano pa.

Luya ang isa sa pinakamahirap ihanda dahil na rin sa pagbalat nito. Bukod sa kutsilyo ay maaari ring gu­mamit ng kursara sa pagbabalat nito.

Ngayon ay magbibigay kami ng tip at mas madaling paraan para maihalo ito sa mga lutuin at makain lalo na ng maseselan sa lasa nito.

Kaysa kasi hiwain ito, ma­aari itong kudkurin gamit ang microplane o yung pangkudkod ng cheese (mag-iingat nang mabuti sa paraang ito nang hindi masugatan).

Pero siyempre dapat linisin at hugasang mabuti ang luya.

Paboritong gawing sawsawan ang luya na may toyo sa steamed chicken o hainanese chicken.

Puwede rin itong ila­gay sa sinaing para magkaroon ng kakaibang lasa at aroma ang inyong kanin.

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments