‘Ilocano Pasta’
Pasta ang isa sa karaniwang makikita na nakahain sa mesa sa kahit anumang okasyon sa Pilipinas.
Pero alam n’yo bang sa lalawigan ng Ilocos ay paboritong ihalo sa pasta ang Ilocos longganisa?
Tama! Kung sawa na kayo sa karaniwang pasta ay pwedeng-pwede kayong magluto ng longganisa pasta!
Mga Kinakailangan Sa Pagluluto
- Kalahating kilo ng Ilocos longganisa
- 2 kutsarang olive oil
- dinikdik na bawang
- sibuyas na hiniwa ng maliliit
- kamatis na hiniwa ng maliliit
- 3 kutsarita ng suka, maaari ring gumamit ng apple cider vinegar
- 1/2 tasa ng tubig mula sa pinakuluang pasta
- 500 grams ng pasta
- parmesan cheese
- chili flakes
Paraan ng Pagluluto
1. Unang lutuin ang longganisa.
2. Durugin o ligisin ang longgonisa hanggang sa maging parang giniling at itabi muna.
3. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
4. Ihalo ang giniling na longganisa at pakuluin.
5. Ilagay ang suka o apple cider vinegar at lagyan ng tubig.
6. Ilagay ang luto nang pasta at haluin.
7. Lagyan ng parmesan cheese at chili flakes base sa nais na anghang at ihain.
- Latest