Wala na sigurong mas sasaya pa sa pagkakaroon ng sariling pet dog lalo na ang mahihilig sa aso. Man’s bestfriend nga kung ituring ang mga ito dahil masaya silang kasama, nakakatanggal ng stress, at alam mong hindi ka iiwan.
Pero, ano nga ba ang basehan ng tamang pag-aalaga sa ating aso? Anu-ano ba ang mga bagay na dapat nating iwasan? Narito ang ilan:
Iwanan silang nakakadena – Naturally territorial animals ang mga aso kaya kapag iniwan sila sa isang lugar ng matagal na panahon ay mas mae-enhance lamang ang kanilang territorial behavior kaya lalo silang magiging agresibo. Ang mga asong lagi ring nakakadena ay mas nagiging malungkutin dahil iniisip nilang hindi sila mahal ng kanilang mga owner.
Pabayaan ang kanilang ngipin – Ayon sa isang pag-aaral, lima sa bawat anim na dog owners ay hindi sinisipilyuhan ang kanilang mga alaga. Maaari itong magdulot ng teeth and gum disease kay bantay. Isa sa dahilan kung bakit hindi sinisipilyuhan ng mga dog owner ang kanilang alaga ay dahil sa takot na makagat sila ng mga ito. Ang ilan naman ay naniniwalang hindi na nila kailangang sipilyuhan ang mga ito dahil kusang natatanggal ang mga bacteria sa ngipin ni bantay kapag kumain sila ng dry food, na isang paniniwala lang. Maaaring magdulot ng serious inflammation tulad ng gingivitis ang hindi pag-brush sa ngipin ni bantay.