Karaniwan nang pinakamahaba ang panggitnang daliri; sumunod ay hintuturo at palasinsingan na laging magkapantay ang haba at ang panghuli ay hinliliit.
Hintuturo—
1--Ang taong may butuhang (malaki ang buto ng joints) hintuturo ay mahina ang pakiramdam o kutob kaya pinag-iisipan niya muna ang sitwasyon bago umaksiyon.
2--Kapag mas maikli ang hintuturo kaysa palasinsingan, ang nagmamay-ari ng daliri ay may inferiority complex pero hindi nagpapahalata. Hindi siya komportableng lumabas ng bahay para makipagsosyalan. Kadalasan ay hindi niya nagagamit ang kanyang talents dahil mahiyain.
3--Kabaliktaran naman kapag mas mahaba ang hintuturo kaysa palasinsingan. Nagiging dominante siya at sobrang ambisyosa.
Panggitnang Daliri—
4--Kapag butuhan ang panggitnang daliri, siya’y hindi naniniwala sa mga sabi-sabi lang hangga’t walang ebidensiya. Maingat siya sa lahat ng bagay dahil ina-analyze niya muna ang sitwasyon bago siya kumilos
5--Kapag maikli kumpara sa hintuturo at palasinsingan o kapantay lang ng nabanggit na dalawang daliri, siya ay sensitive at malakas ang intuition o kutob.
Palasinsingan/Ring Finger—
6--Ang may palasinsingang maikli ay sumpungin. Ngunit palatandaan ng pagiging sugarol kung sobra ang haba na halos ay pumantay o lumampas sa panggitnang daliri.
Hinliliit—
7--Ang may baluktot na hinliliit ay hindi honest. Hindi kasama dito ang may arthritis.
8--Kung butuhan, matiyaga siya at mahilig magnegosyo.