Positibong routine ng anak
Para hindi madismaya sa kinikilos at desisyon ng anak, turuan sila na i-establish ang basic na systematic na paraan sa kanilang schedule
Makatutulong ito hindi lamang sa mga anak, lalo’t higit sa mga nanay kung paano makapag-save ng oras.
Bawat minuto at oras ay i-train na gugulin ito ng mga anak ng may pagpapahalaga upang sa bandang huli ay mas maraming nagagawa sa kahit anong activities ng mga bagets.
Turuan na laging mag-set ng routine sa umaga pa lang na gumising ng ahead of time, mag-almusal, pumasok sa school, pag-uwi ng bahay ay gumawa muna ng assignment bago maglaro, mag-dinner, maligo, at maglaan ng oras para sa story time o bonding na kamustahin ang anak.
Ang makakasanayang routine ng bata ay nagbibigay ng comfort sa mga anak.
Turuan ang anak hangga’t maaga na hindi madali, pero naimumulat sa mga anak na dapat maging busy na kalaunan ay makakasanayan nito.
Tulad ng paghimok sa anak na tumulong sa gawaing bahay. Hindi lamang para gumaan ang load ni nanay, kundi tinuturuan ang anak na maging responsable sa mga routine ng buhay na kinakasanayan nito sa positibong paraan. Kaysa bigyan ang anak ng gadgets na negatibong routine na magiging problema ng pamilya.
- Latest