Paano itataboy ang malas?

Narito ang paraan para tanggalin ang malas sa inyong tahanan:

1--Iwasang magmura. Umaakit ito ng sakit at kamalasan.

2--Ipagbili, ipamigay, o itapon ang mga gamit na nakatambak lamang sa isang tabi.

3--Huwag nang itago pa ang mga pinggang may pingas. Maliit man o malaki ang basag, ikinokonsidera na itong sira.

4--Matapos itapon ang masamang ugali at mga sirang gamit, magsagawa naman ng spiritual cleansing.

Paraan ng spiritual cleansing:

5--Magtimpla ng 2 kutsarang ammonia sa isang timbang tubig. Gamit ang malinis na basahan, ang ammonia/water mixture ang gagamitin mo sa paglalampaso ng sahig. Mabisa itong panlinis sa negative energy dahil pinaniniwalaang nakakapagpalayas ng masamang ispiritu ang ammonia.

6--Ipangpunas din ito sa mga pader, mirror, door knob na paboritong kapitan ng negative energy.

7--Magsindi ng tatlong  lavender incense sticks sa bawat sulok ng bahay.

8--Kung walang la­ven­der incense stick, bumili ng kamanyang at ito ang sindihan. Magpapalingas ka muna ng uling at saka ilalagay sa ibabaw ng ­uling ang kamanyang.

Kung may negosyo, pausukan mo ang iyong business establishment.

9--Importanteng pausukan ang toilet, ilalim ng lababo, likod ng pinto, basements, bodega at lahat ng madidilim na sulok.

10--Once a month gawin ang paglilinis para hindi maipon ang mga negative energies na nagdudulot ng sakit at mga masasamang pangyayari sa buhay ng tao.

Show comments