Reflection ng mababang grades

Bilang magulang ay kailangang maging firm sa lahat ng rules na itinakda sa loob ng bahay. Kailangang ma­ging best parent na siyang kind, helpful, consistent, at firm. Hindi kailangang kontrolin at takutin ang mga anak. Sa bawat negatibong interaction sa anak, at suklian ito ng sampung beses na positibong bagay. Kundi magpokus na suportahan at hamunin ang anak.

 Sa halip na mag-alala at magbunganga sa anak na hindi makatutulong, importante na laging positive-negative-positive na sandwich psychology ang approach kung kakausapin ang anak.

Kung bumaba ang grades ng anak ay senyales na mayroong hindi tama. Maaaring reflection ito ng magulang na kulang ang oras upang bantayan at tulungan sana ang anak sa kanyang pag-aaral.

Imbes na magsisihan ay maging matigas sa rule na bawas ang oras ng panonood ng TV, paggamit ng devices, at iwasan muna ang paglalaro ng mga computer games. Kung hindi firm ang magulang, mismo ang bata ang maglalakas ng loob para manipulahin ang desisyon nina nanay at tatay.

Show comments