Stress management

Hindi sekreto na ang sobrang stress ay nagdudulot ng  negatibong epekto sa physical, mental, at emotional na nagpapababa ng quality ng kalusugan. Ang sobrang stress ay may negatibong impact gaya sa cardiovascular health, eating behaviors at diet, body weight na posibleng tumaba, energy levels, mood, focus, relasyon, komunikasyon, pagtulog, nagpapahina sa function ng immune system, digestive health, at iba pa.

Lahat ay humaharap sa maraming klase ng stress. Meron ding amount ng stress na nakatutulong para mag-grow, mas maging malakas, at matuto. Pero kapag tumagal na ang stress ay mas nakakadismaya at panira  na hinihila ka nang pababa. Kung kaya ang stress management technique ay mahalaga. Rekomendado ang Japanese practice na tinatawag na Shinrin-yoku, pagkakaroon ng leisure na maglakad sa nature at mag-relax. Ang resulta ay nagpapalakas ng nervous system at bumababa ang stress hormone cortisol.

Ang simpleng paglalakad  na walang distraction ng electronics ay nagpapaganda ng mood, focus, at nagpapa-boost ng energy levels.

 

Show comments