Dapat bang ipaalam kay mister o misis ang lahat ng iyong binibili?
“Naku kapag usaping pera dapat talaga walang lihiman. Para hindi mabibigla si mister kung saan napunta ang pera ninyong mag-asawa. Yung mister ko pa naman daig pa ang BIR kung mag-check. Hindi man lang ako makakupit.” - Decelyn, Sucay
“Yung mister ko laging kontra yun sa mga plano ko. Walang tiwala na akala niya puro palabas lang ang pera. Kaya itinago ko sa kanya dati nang magkaroon ng insurance sa opis namin. Ngayon na mawalan kami ng trabaho. Yung insurance ang nagsalba sa amin hanggang ngayon. - Josie, Las Piñas
“Hindi ko kailangan magpaalam sa mister ko. Dahil binibigyan niya ako ng kalayaan na bumili at gumastos ng kahit ano.” - Mabel, Davao
“Siyempre kailangang magsabi or else mauuwi lang sa away. Kaya malayo palang inaabiso ko na sa mister ko ang gagawin ko. Pumayag man siya o hindi, alam niya kung saan ko dinala ang pera. - Vangie, Novaliches
“Kung major na gastusin dapat ipaalam ‘di ba para walang gulo. Para hati rin kami sa gastos. Pero kung minor lang naman kaya ko nang idepensa sa asawa ko. Komontra man siya at least nabili ko na ang gusto ko. - Lhen, Baguio
- Latest