Classmate ipinagyayabang na natikman

Dear Vanezza,

Ipinagkakalat ng varsity player namin na natikman daw niya ako. Ang totoo ay wala akong magawa dahil sa takot ko. Nakita ng kaibigan ko ang nangyari, pero natatakot siyang malaman ng tatay niya na kahit siya ay pinagtripan din ng classmate namin. Ano ba ang gagawin ko?

Jas

Dear Jas,

Magsumbong sa iyong magulang o sa inyong principal upang gumawa ng aksyon ang inyong teacher para mabigyan ng katarungan ang sinapit ninyong magkaklase. Puwede rin dumeretsong mag-report sa police upang maayos ang iyong problema. Upang hindi na ito maulit pa sa inyong eskuwelahan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments