Dear Vanezza,
Noon pa man dapat mayroon na kaming sariling bahay. Pero mahina ang loob ng mister ko na panay ang awat sa mga plano ko. Hanggang ngayon ay nakikisiksik kami sa bahay ng biyenan ko. Dahil wala nang ginawa ang mister ko na kundi kontrahin ang plano ko para sa pamilya namin. Ano po ang gagawin ko? – Mabel
Dear Mabel,
Pakiusapan si mister na mag-isip patungkol sa inyong pamilya kaysa umaasa sa ibang tao. Maaaring nakararamdam si mister na natatapakan ang kanyang ego dahil ikaw na misis ang nagpaplano sa inyong pamilya. Sa halip ay palakasin ang loob ni mister at suportahan ang kanyang plano kung paano kayo makapagsasarili ng inyong tahanan.
Sumasainyo,
Vanezza