Oras na upang i-reassess ang personal na goals. Ang burnout ay puwedeng mangyari kapag ang trabaho ay nalihis na ang alignment sa iyong value o kapag hindi na nagbibigay ng katuparan sa iyong long-term na goals.
Makararanas na madismaya at mabugnot kung walang idea kung ano ang iyong goals. Simulang malaman ang iyong value at mag-isip tungkol sa kung ano ang halaga ng iyong trabaho. Pag-aralan ang personal na mission statement. Dahil maraming tao na nakararamdam na parang nahihiwalay sila sa mundo. Ang sipag magtrabaho, pero suntok sa buwan na hindi alam kung saan pupunta ang direksyon ng kanyang career.
Ang ganitong pag-iisip ay dahil sa kawalan ng formal na goals at vision sa buhay. Kailangang mag-set ng goals na isang powerful na proseso upang makita ang ideal future at ma-motivate ang sarili na gawin ang iyong vision para sa hinaharap. Magdesisyon kung ano ang gustong marating sa buhay. Kailangang mag-concentrate sa iyong effort. Mag-ingat sa mga distraction na kadalasan ang kalaban ng marami ay kanilang sarili.