Dear Vanezza,
Isang taon na kami ng kinakasama ko ngayon. Bigla siyang naging lasenggo at sinasaktan ako kapag umuuwi ng bahay ay binubugbog ako. Hindi pa kami magkaanak na isinisisi niya sa akin. Kinakantiyawan daw siyang baog ng mga kaibigan niya. Sa akin niya ibinubunton dahil ako raw ang baog at hindi siya. Gusto ko nang makipaghiwalay kaysa magkaanak kami pero baka hindi siya magbago at saktan pa rin niya ako. Tama ako ‘di ba? - Jamie
Dear Jamie,
‘Wag kang magpaka-martir. Wala kang kinabukasan sa ganyang klase ng lalaki. Walang kasiguruhan na hindi na siya mananakit sa iyo kapag nagkaanak kayo. Hanggang maaga ay hiwalayan mo na siya. Sa susunod ay kilalanin mo munang mabuti ang lalaki bago ka makisama nang hindi na maulit ang masaklap mong karanasan.
Sumasaiyo,
Vanezza