Apat na Sulok ng Classroom ng Anak
Huwag nang makonsensya mommy kung hindi pa masyadong motivated ang anak sa pagpasok sa school. Maraming bata na simpleng hindi pa nakikita ang halaga ng pag-aaral.
Dito papasok ang role nina nanay at tatay na bigyan sila ng layunin kung bakit kailangan nilang matutunan ang mga maraming bagay sa eskuwelahan.
Maaaring nawawalan ng gana ang mga bata na pumasok sa school. Ito ay puwedeng mabago ng magulang sa tamang pagpapaliwanag. Puwedeng ipakita ang value ng math kapag inuutusan ang anak na bumili sa tindahan. Ipaliwanag ang fraction kung maghahati ng prutas gaya ng melon, pakwan, mangga, at iba pa.
Hindi lamang sa apat na sulok ng classroom puwedeng matuto ang mga anak dahil ang mundo ay mas malaking learning center ng mga bata.
- Latest