Tension na nararanasan ng anak
Iwasan na takutin ang anak para lamang magkaroon ng mataas na grades o magkaroon ng honor.
Bata pa lamang ay nagkukuwento na sa anak tungkol sa college na ang layunin sana ay i-motivate ang anak para magtagumpay. Pero ayon sa mga experts, maganda ang motibo pero imbes na makatulong sa anak ay mas nagbibigay ito ng tension sa bata.
Hindi puwedeng kausapin ang anak patungkol sa mga bagay na nakalipas gaya ng naranasan ng magulang o pag-usapan ang mga isyu na malayo pa sa katotohanan.
Sa halip ay pakinggan ang anak at ipaliwanag sa anak na magpokus sa school at planuhin kung paano maaayos ang kanyang pag-aaral. I-appreciate ang effort ng anak dahil nakikita at naririnig ng bata ang lahat ng sinasabi ng magulang.
- Latest