Life Number (2)
Ang Life Number ang tutukoy kung ano ang magpapahina ng physical and emotional conditions ng isang tao at ano ang dapat gawin para maiwasan ito. Upang malaman ang iyong LIFE NUMBER, kuwentahin ang sum total ng iyong kumpletong birthday. Halimbawa: June 23, 1970 = 6 + 5 + 1 + 9 + 7 + 0 = 28 = 2 + 8 = 1 Life Number. Ang two digit na sagot ay i-add upang maging single number.
LIFE NUMBER 4—
Mahilig umako ng maraming responsibilidad kaya nagiging workaholic. Dulot nito ay mahirap siyang makatulog. Huwag pagmalupitan ang sarili. Bigyan ang katawan ng sapat na pahinga.
LIFE NUMBER 5—
Mabilis silang maapektuhan ng mga nakakaasar na sitwasyon. Gaano man kagrabe ang sitwasyong kinalalagyan, piliting maging kalmado sa lahat ng oras. Hindi na kailangan ang masusing paliwanag na masama ang epekto sa katawan ng sobrang stress.
LIFE NUMBER 6—
Ang kasabihang: “Prevention is better than cure” ay dapat na laging isaisip ng may life number 6. Mabuti na ang iwasang magkasakit kaysa magpagamot ng sakit. Matulungin sa ibang tao pero pabaya naman sa sariling kapakanan lalo na sa kalusugan. Itutuloy
- Latest