Kung mayroong bagay na puwedeng magta-transform ng isang buhay, relasyon, at healthy? Walang iba kung ang pagkakaroon ng gratitude na ugali na isang powerful na pagkakataon na mabago hindi ang pagkatao kundi ang kalusugan.
Sa research, sa pag-practice ng pasasalamat ay puwedeng tumaas ang mood, mabawasan ang depression, natutulungan na magkaroon ng mas connected, mas nagiging maayos, may pabor at pinagkakatiwalaan ng ibang tao. Bumababa rin ang level ng inflammation, nababawasan ang anxiety, nabo-boost ang energy levels, nababawasan ang sakit, gumaganda ang tulog, at natutulungan na maging matatag ang bonding ng relasyon sa asawa at pamilya.
Ang simpleng pagpasalamat na tiyak na mas magiging masayahin na nailalabas ang sarili sa pagiging-self-centered at nababaling ang pokus sa mas mahalagang bagay kaysa sa pansariling kapakanan. Dahil ang gratitude ay nagbubukas ng pananaw sa halip na magkaroon ng self-pity kundi ay mas nagiging matagumpay ang tao.
Ayon sa management expert, ang pagkakaroon ng gratitude ay automatic na tinatanggal ang mental characteristic na isolation, egotism, at pagiging arogante. Ang mga taong grateful o marunong magpasalamat ay mas maraming blessings, nawawala ang takot, at nagkakaroon ng purpose sa buhay. Kailangan lamang i-practice ito araw-araw na magpasalamat sa emails, text messages, sa kausap sa telepono, at simpleng pakikisalamuha sa ibang kaysa magreklamo.