Kamakailan lamang ay kumalat ang litrato ng isang albino panda sa social media.
Inilabas ang litrato ng Wolong National Nature Reserve in Sichuan, China.
Nakunan ang litrato noong April gamit ang isang motion-activated cameras. Makikitang naglalakad sa kabundukan ang batang panda.
Paniwala ng mga scientist, ang panda ay nasa isa hanggang dalawang taon.
Sa statement ng WNN, na ang naturang panda ay mayroong puting-puting balahibo, puting kuko, at pulang mga mata.
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ito ang unang beses na makakuha ng litrato ng isang all-white panda.
Hindi kasi purong puti ang mga albino panda na nakuhanan ng litrato.
Wala naman gaanong impact sa mga ito ang pagiging albino. Kaya nga lang, mas agaw pansin sila sa mga predators dahil sa kanilang anyo.