^

Para Malibang

Sino ang bossing sa bahay si nanay o si tatay?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

“Galing ito experience ko habang ako ay luma­laki. Mas bossing talaga sa bahay ang mga nanay. Importante rin ang desisyon ng  mister pero yun nga mas mabigat ang desisyon ng mga nanay kasi may kasamang emosyon. Kahit ngayon na may asawa na ako, siya pa rin talaga ang mas nasusunod lalo na sa usapin ng gastusin at mga anak.” - Ysmael, Baguio

“Syempre ang padre de pamilya. Sila ang provider sa bahay. Kaya sa tingin ko mas may hugot kung sila ang magdedesisyon since marami silang napagdaanang mga hirap.” - Toni, Quezon City

“Pantay lang dapat. Mas okay siguro kung ipa-practice ang equally ng mag-asawa para yun ang tularan ng kanilang mga anak. Pwedeng pag-usapan ang mga bagay-bagay na hindi ka nakaka-offend. Iba kasi ‘pag sinabi mong bossing eh. Kasi ang isa diyan parang taga-sunod na lang.” - Renan, Manila

“Depende yan sa pinag-uusapan. Mas maganda kung nasa lugar bago maging bossing. Kaso kung wala naman sa lugar ang pinaglalaban at nagpapaka-bossing ang nanay o tatay, aba may problema diyan. Dapat may punto ang pinaglalaban.” - Chris, Marinduque

“Ang nanay po ang mas bossing hehehe ganun po kasi ang nanay ko sa bahay namin. Siya po talaga ang mas nasusunod kumpara kay tatay na taga-oo lang kay nanay kasi alam niyang wais pagdating sa bagay-bagay si nanay.” - Reiley, Laguna

 

BOSSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with