Dear Vanezza,
First time ng papa ko na maka-attend sa recognition ng school namin dahil sa Dubai siya nagtatrabaho. Ang problema ay hindi natuwa si papa na basta may honor lang ako. Nagde-demand na makakuha ko ng award ng mas mataas. Ibinigay ko naman ang best ko, pero hindi pa rin naging sapat. Nadi-depress ako sa pressure na ibinibigay ng papa ko. Ano ba ang gagawin ko? – Marcial
Dear Marcial,
Kausapin mo si papa na hindi madali ang iyong pag-aaral, pero ipaalam sa kanya na ibinibigay mo ang best sa iyong studies kung kaya mayroon kang medal. Imbes na ma-pressure ay gawin itong challenge. I-enjoy lang ang pag-aaral at gawing inspirasyon ang iyong ama.
Sumasainyo,
Vanezza