^

Para Malibang

Gatas ng ina para rin kay tatay

KULTURA - Philstar.com

Ang breastfeeding ay tanggap na bahagi ng buhay ng mga kababaihan. Ang ganitong practice ay hinihikayat na dapat gawin ng mga nanay. Ang pagpapasuso ng ina ay nag-iiba rin ang practice kung paano at gaano katagal ay depende ayon sa kultura sa buong mundo.

Iba’t iba ang kultura pagdating sa breastfeeding na kalimitan ay maganda sa kalusugan ng mga sanggol, pero meron din na ang paniwala ay may negatibong epekto sa kanilang mga anak.

Katulad sa India, ang paniwala na ang inilalabas na unang gatas ng ina ay madumi pagkapanganak ng nanay. Kaya madalas ay tinatapon nila ang gatas ng ina na sa halip ay binibigyan mula nila ng milk formula ang baby sa unang ilang araw ng sanggol.

Sa ilang area sa Kenya, ang mga nanay ay pinapayuhang huwag magpadede pagkatapos makipag-away. Hanggang dumaan muna sa ritwal na paglilinis si nanay saka lamang siya puwedeng magpasuso sa anak. Paniwala rin na ang pag-breastfeed sa publiko ng nanay at sanggol ay mainit sa paningin ng mga masasamang nilalang.

Sa Mongolia naman, ang breastmilk ay healthy kahit ang mga adults ay nagpapakasawa sa pag-inom ng gatas ng ina. Ang sobrang gatas ng ina ay ibinibigay sa kanyang mister o ibang miyembro ng pamilya na madalas na ginagamit din para sa medicinal purposes sa mga matatanda.

BREASTFEEDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->