Ang biglaang emergency ay dumarating nang walang warning. Importanteng alam ang gagawin upang mailigtas at maprotektahan ang pamilya. Kahit bata sa pamilya ay dapat maturuan kung ano ang kailangan niyang gawin.
Tulad ng isulat ang number ng magulang at mga kapatid sa isang papel. Idikit ito sa wall o refrigator na madaling mabasa ng mga anak.
Hayaang ipraktis ng anak na i-dial o i-press ang numero sa telepono, kung paano tatawagan ang kanilang mga magulang. Ipa-practice rin sa anak ang mga emergency lines na puwede nilang tawagan. Gaya ng police station, bumbero, at si teacher.
Samantalang ang 911 ay ang national emergency telephone number sa ‘Pinas na mina-manage ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG).
Ipaskel din ang picture ng lugar kung saan puwedeng magkita ang pamilya para sa inyong meeting place sa oras ng emergency. Rebyuhin lagi ang family emergency plan at ang mga bagay na nakahandang supplies sa oras ng sakuna na dapat ay updated din ang anak.