^

Para Malibang

Perfect na Teenagers

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Perfect na  TeenagersAng magulang at teenagers ay kailangang magkaroon ng magandang komunikasyon. Kadalasan na inaakala na ang galit ng bata ay bad o abnormal na ang pag-express ng anak ng kanyang emosyon ay hindi pinapayagan.

Ito ay mapanganib na dapat sana ay tinuturuan ang anak sa tamang paraan at hindi pagsikil ng kanilang damdamin. Isa sa importanteng na kailangang ituro sa bata o teenager na kung paano i-handle ang kanilang galit. Ang emosyon ng galit ay hindi masama o mabuti sa kahulugan nito.

Normal lamang sa isang tao ang magalit. Ang problema ay hindi ang galit kundi kung paano ito i-manage. Dito nagkakaproblema ang mga tao. Kung maiintindihan lamang sana kung paano ipahayag sa positibong paraan mas magiging maayos ang usapan kaysa mas lumalala na nilalamon ng sariling poot.

Maraming bata na ang pag-express ng galit ay mali. Ang attitude ay mas nagiging agresibo. Minsan ang mga magulang ay walang kontrol sa inaasal ng mga anak. Nadidismaya sina tatay at nanay na mas nagpapalala ng sitwasyon.Importante na malaman kung bakit nagiging agresibo ang anak.

Maaaring partly ay hindi aware ang anak sa kanilang inaasal. Ang bad behavior ng mga bata ay masama, pero mas disaster kapag ang mga teenager ang mga nagmamarakulyo. Makikita na hindi healthy kung paanong i-express ng anak ang kanyang sarili.

Nandiyan na naaapektuhan ang grades, gumagamit ng drugs, ang iba ay nabubuntis, nakakagawa ng krimen, at ang masaklap ang iba ay nagtatangkang mag-suicide. Maraming seryosong dahilan ng bad a”tude ng anak.

Maraming kaso na ang anak ay poor ang performance sa school dahil hindi nila malapitan ang magulang. Dahil sa mga nanay na overacting ang drama na hindi kayang i-handle ng mga teenagers. Maraming teeangers na hayagang nagbi-break ng rules gaya ng pag-uwi ng hating gabi.

May mga teenager na ang kanilang galit ay ibinabaling sa kanilang sarili na nagiging psychosomatic gaya ng sumasakit ang ulo, may ulcers, at may skin problems. Anoman ang problema ng anak ay abutin ito na kahit verbally pero hindi dapat sinasaktan ang kanilang damdamin.

Hindi epektibo ang paninigaw, pagpipintas, at minumura ang anak. Sa halip, kailangan nila ng pang-unawa, kalinga, at pagmamahal sa malumanay na komunikasyon. Sa kahit anong sitwasyon na hayaan ang anak na magkaroon ng progreso o paglago at hindi ipilit na sila’y gawing perpekto.

TEENAGERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with