^

Para Malibang

Beach na walang buhangin

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Nang pumutok diumano ang Mt. Iraya kung saan nagkalat ang andesite rocks sa halos kalahati ng Bataan sa Norte. Ang Batan noon ay Basco na ngayon kung tawagin at matatagpuan ito sa Batanes.

Ang malalakas na hangin at naglalakihang alon ang humubog sa mga matitigas na batong nagkalat mula sa sumabog na bulkan, kaya naman lalo itong gumanda sa paglipas ng panahon.

Ang resulta, isang napakagandang beach na kung tawagin na ngayon ay Valugan.

Ang ibig sabihin ng Valugan ay “east” sa Ivatan Language. Pinupuno ng naglalakihang bato ang Batan Island, imbes na buhangin. Karaniwang buhangin kasi ang makikita sa mga karagatan, pero ang isang ito ay halos puro malalaking bato lamang kahit saan mo idako ang iyong paningin.

Ganunpaman, kahit na ito ay beach kung tawagin, walang puwedeng maligo rito dahil sa sobrang lakas ng alon.

Ang sinumang magtangka ay tiyak na hahampas lamang sa mga batong nakapaligid.

Dinarayo lamang ang Valugan dahil sa angking kagandahan nito, mara­ming photographer ang nagpupunta rito upang aba­ngan at kunan ng litrato ang paglubog ng araw.

MT. IRAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with