Straw na gawa sa damo, naimbento
Hindi na maikakaila na ang pinakapangunahing problema ng ating bansa at maging sa buong mundo ay ang malaking isyu ng plastic pollution.
Ayon sa website na Greenpeace, tinatayang umaabot sa 12.7 milyong toneladang plastic ang bumabagsak sa ating mga karagatan kada-taon na nagiging sanhi ng malawakang epekto sa sealife.
Mahigit 700 marine species na ang apektado ng mga nagkalat na plastic ayon sa mga scientist, habang 87 percent naman daw ng mga uri ng ibon ang nakakain na ng mga plastic.
Maraming paraan na ang sinubukan ng mga bansa para bawasan o matigil na ang paggamit ng plastic, gumamit pa nga ang ibang food company ng paper straw pero hindi ito masyadong pumatok, kaya naman gumawa si Tran Minh Tien mula Vietnam ng biodegradable straws mula sa isang damo na Lepironia articulata ang pangalan, na makikita lamang sa Mekong Delta region sa kanilang bansa.
Hindi lamang biodegradable ang nasabing straw, kung hindi ito rin ay walang halong kemikal at walang preservatives.
Sa isang interview ni Tien, pinaliwanag niya kung paano niya ito naisip at ginawa, kinokolekta niya raw muna ang tangkay ng mga damo saka niya ito huhugasan at puputulin sa habang 20 centimetre. Lilinisin ulit ang loob ng mga straw bago hasain na ulit sa orihinal na sukat at saka na niya ito ibebenta. Pinagsasama-sama niya ang mga ito at saka ibabalot pa sa dahon ng saging na very environmental friendly at ayun na. puwedng-puwede na itong magamit bilang panlaban sa polusyon ng plastik.
- Latest