Ngayong tag-init, tubig lang ang katapat sa nakakauhaw na panahon. Ang simpleng pag-inom ng tubig ay hindi lang pangpawi ng uhaw, kundi mabuti rin sa kalusugan. Ang tubig ay walang calories o sugar hindi tulad ng soft drinks na parehong mataas sa dalawang nabanggit. Ang ating katawan ay kailangan ng regular na pag-inom ng tubig upang masigurado na hindi ma-hydrated. Maraming benepisyo ang pag-inom ng tubig mula sa panlaban sa infection at sakit. Kailangan natin ng tubig para maka-survive at umunlad. Ang tubig ay nagbibigay ng magandang resulta para sa ating balat mula sa pagkulubot ng skin at mabawasan ang acne sa mukha.
Ang tubig din ang tumutulong upang ma-plush ang mga toxins palabas ng katawan. Nakatutulong na malinis ang balat mula sa kahit anong bacteria o harmful na dumi na nagpapalala sa pimples.
Sa pag-inom ng tubig ay nakatutulong na ma-moisturized at maiwasan na matuyot ang balat. Sa mga taong mahilig uminom ng tubig ay nakatutulong na mabawasan ang wrikles bagkus ay nagbibigay ng glow sa ating balat.
Ang tubig din ay puwedeng sagot sa masakit na ulo na pang lunas sa hangover. Habang nasa night out ay kailangang uminom ng tubig lalo na kung naparami ang pag-inom ng alcohol upang gumanda ang pakiramdam kinabukasan. Kahit pa ang alcohol ay liquid na nakapapawi ng konti ang pagkauhaw, pero nagpapa-dehydrate ng katawan. Malaki ang deperensya ng paglagok ng tubig sa pagitan ng pag-shot ng alcohol.