Gulay sa loob ng freezer

Pamilyar ba kayo sa green slime sa ilalim ng plastic bag ng gulay na dahon o herbs sa refrigerator? Ito ang dahon na gulay na nasira at nalusaw.

Ang tanging sikreto lang ay basang paper towel o yung malalaking tissue na madalas makikita sa kusina. Balutin muna ang mga nahugasang gulay na dahon o herbs bago ilagay sa mga ziplock bags. Mag-iwan ng awang sa bag para sumingaw ang loob nito.

Kapag mayroon nang kulay green sa paper towel, ibig sabihin ay hanggang 2 araw na lamang ang itatagal ng gulay kaya dapat ay lutin na ito. Kung chopped herbs, ilagay ito sa maliliit na container at patungan nang tiniklop na paper towel. Ilagay ang leafy veggies na spinach sa freezer. Ilagay lamang ito sa ziplock (walang ha­ngin) pagkatapos hugasan at ilagay sa freezer. Perfect i-blanch para mapanatili ang magandang kulay nito.

Burp!

Show comments