Pagkaing pang romansa
Epektibo ba talaga ang mga pagkaing aphrodisiacs? Para malaman ang sagot ay kailangang subukan.
Narito ang mga pagkaing sinasabing ‘pampagana.’
Natalakay na natin ang Sili at avocado.
Saging - Hugis pa lang ng saging, pangromansa na pero alam n’yo bang ang saging ay may bromelain, isang enzyme na nagti-trigger sa testosterone production bukod pa sa taglay nitong potassium at vitamin B na nagpapataas ng energy levels. Honey - Ang honey ay gawa sa pollination na simbolo ng procreation. Sa katunayan ang salitang ‘honeymoon’ mula sa inuming gawa sa honey na pinapainom sa bagong kasal. Mayroon din itong boron, na tumutulong para ma-regulate ang estrogen at testosterone levels at nagbibigay ng natural energy boost. (ITUTULOY)
- Latest