Iba na ang pananaw ng mga tao ngayon pagdating sa pag-aasawa. Ang marriage license raw ay parang resibo na kung hindi mo na gusto ang iyong misis ay puwede mo nang palitan ng ibang babae.
Shocking ‘di ba?! Ang ganyang careless na comment ay pang panira ng magandang pamilya. Ang soul-mate syndrome na pagkakilala ng lalaki at babae na na-in love kalaunan. Pero nag-away pagkatapos na na-fall out na sa love. Nagdesisyon ang dalawa na hindi na sila soul mates, kaya bumalik sila sa soul-mate store na maghahanap ng ibang partner na bagay sa kanilang hinahanap.
Nakalulungkot isipin na pagkatapos ng pagpili at pagsubok ng iba’t ibang kasama, pero dahil sa punung-puno ng pagkakamali at kahinaan ang partner, kung kaya ang ending ay naghihiwalay pa rin. Perfect sa unang pagkikita, pero sa huli ay naghihiwalay ng landas dahil ang trato na lang sa marriage license ay isang pirasong papel na lamang. Puwede sanang i-renew ang vow, pero mas pinipiling palitan na lang ng ibang kasama sa buhay hanggang sa magsawa na uli sa kanilang pagsasama.