Ayon sa mga eksperto, natagpuan sa isang kuweba sa Creswell Crags sa England ang hindi mabilang na ‘anti witch marks’.
Ang mga nasabing marka ay pinaniniwalaang pangontra diumano sa mga masasamang espirito na nagmumula sa ilalim ng lupa – at napakaraming nakaukit na ganito sa dingding, sahig at kisame ng kuweba.
Ang Witches’ marks o apotropaic marks na mula sa Greek word na apotrepein, na ang ibig sabihin ay ‘to turn away’ ay kadalasang makikita sa historic churches at mga bahay-bahay, malapit sa kanilang pintuan, bintana o fireplaces para sila ay maprotektahan.
Ang nakadiskubre ng mga ito ay ang enthusiasts na sina Hayley Clark and Ed Waters nang mag-cave tour sila at mapansin ito.
Napagkamalan pang graffiti at vandalism ang iba rito kaya naman ipinasara ang kuweba.
Napag-alaman din na ang mga marka ay padagdag ng padagdag, indikasyon na ito ay parang pinagtitibay pa lalo para sa mas malakas na proteksyon upang maiwasan ang pagkakasakit, pagkamatay, at pagkalanta ng mga pananim na maaaring madala ng mga nilalang mula sa underworld.